TradingView

Why Filipino's are not investing ? (in Filipino language)

JANUARY: Nagbabayad pa ng utang ng dumaang pasko. Kinulang pa ang 13th month pay, daming namasko at pinapasko eh

FEBRUARY: Valentines day! Kakain sa labas, syempre yong sosyal na place. May regalo. Tapos chinese new year pa nga pala.

MARCH: Graduation time! Syempre ipaghahanda ng bonggang-bongga.

APRIL: Summer vacation! Travel dito, travel doon. Pupunta sa beach…

MAY: Hayss….enrollment na naman. Taas na ng matrikula sa school (nagtaka ka pa?)

JUNE: Simula na ng uma-umagang baon. Kelangan mo na rin bumili ng mga bagong gamit sa school, magbayad ng mga fees gaya ng school bus at iba pa.

JULY: Nagbabayad ka pa ng utang mo mo, kinapos ka sa pang tuition di ba?

AUGUST: Ghost month! Di magandang mag invest…

SEPTEMBER: mmmm…Magi-invest na sana, kaya lang narinig ang… whenever i see girls and boys selling lanterns on the street… ber month na pala!! Wag muna, marami kang pag-gagamitan sa pasko.

OCTOBER: Naghahanda ka na sa halloween. Syempre bakasyon uli, out of town

NOVEMBER: 2nd sem na! Magbabayad ka na naman sa school. Di bale, malaki naman matatanggap mo next month. Bumale ka na lang sa boss mo.

December: Pasko na  Kaso, nagastos mo na yong pera mo last month. Umutang ka na lang muna. Kailangan maidaos ng masagana ang pasko. Pano na lang kung maraming mamasko sa inyo. Baka sabihin POOR ka…
Why Filipino's are not investing ? (in Filipino language) Why Filipino's are not investing ? (in Filipino language) Reviewed by on 9:50 AM Rating: 5

FREE space

Powered by Blogger.